Tungkol sa ating mga bloggers

Para sa ating mga bloggers, ang blog ay isa sa mga bagay na pinupuntahan natin para lamang maaliw ang ating mga sarili. Lalo na sa panahon na kailangan natin ng makakausap pero walang ibang tao na pwede nating lapitan upang kausapin. Minsan din ito ang nababalingan natin lalo na't kailangan natin ng sandata panlaban sa ating mga kaaway.

Pero sa nangyari kay Mark Jen, ang naging popular na blogger dahil sa pagkaterminate niya sa Google company, ang blogger ay isa lamang sumbungan niya sa mga nakikita niya at nararamdaman habang nagtatrabaho sa loob ng company. Subali't dahil sa katangahan (ewan ko kung tama bang tawagin siyang tanga) ay hindi niya isinaalangalang ang kapakanan ng kaniyang company, na maging ang mga bagay na maaring ikasisira nito ay kaniya pa ring isinusulat.

Blogger nga ang tawag sa atin, subali't we are considered as journalist dahil sa ang sinusulat natin ay mga journals and this is part of journalism. Kaya nararapat lamang na sundin din natin ang ethics sa journalism.

Journalism ethics? Parang malabo ngang masunod ang ethics of journalism ng mga bloggers dahil karamihan dito ay hindi nag-aaral ng journalism. Ako man din ay hindi nakapagtuntung kahit isang buwan man lamang sa journalism class, ni hindi rin ako nakabasa ng mga journalism books. Pero maari nating gamitin ang ating konsensya sa pagsusulat ng ating mga blogs. Lagi nating isaalangalang ang kapakanan ng bawat isa.

Kung sakali man mahilig tayo sa paninira, mas mabuti sigurong, siraan mo na ang iyong sarili at ibulgar mo na ang dapat ibulgar about you, basta't hinayhinay lang kung ang pag-uusapan ay ang ibang tao.

Kung nais mong mag-expose sa buhay ng ibang tao, make sure na may ebidensiya ka bilang patotoo na tama ang mga sinusulat mo sa blog mo, dahil kung hindi baka matulad ka sa mga bloggers sa UK na nakulong dahil sa kanilang mga kasinungalingan.

Kung katulad ka naman ni Mark Jen, gaya ng natutunan niyang leksyon sa kaniyang naranasan, laging isaalangalang ang company kung susulat ka ng blog regarding your job experiences.

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com