.
Subscribe my articles from SELaplana:
Delivered by FeedBurner
 

Tigasin

Minsan may mga pagkakataon na aandar ang aking pagkatigasin. Minsan nga para ko nang inaander ang iba dyan na mas matanda pa sa akin e. Pero ang pinakadelikado yung mga ginagawa ko tuwing tatawid ako sa mga busy streets dito sa Manila. Para bang isa akong matigas na bagay na kahit banggain ay hindi maaano. Minsan nga wala akong pakiaalam kung may parating man na mga sasakyan o wala. At kung meron man, natutuwa na lang akong malamang lahat sila naghintuan at karamihan sa kanila nakatingin sa akin ng masama.

Sorry na lang, minsan para akong baliw e. Hindi natatakot na mamatay. Mas takot pa ang mga drivers na mabangga ako. Minsan nabigla na lang ako nang may biglang sumigaw.... BALIW!
Search Lyrics by Artists: 0-9 - A - B - C - D - E - F - G - H - I - J - K - L - M - N - O - P - Q - R - S - T - U - V - W - X - Y - Z