Pasahe Magtataas

Magtataas na naman ang pasahe natin. Dos Pisos sa Jeep ug Piso sa Bus. At ang MRT at LRT magtataas na naman ng minimum fare ng sampung piso. Wow! ibig sabihin magtaasan na naman ang bilihin. Malaking problema to. Para na tayong nasa Japan nito. Pero wala tayong magagawa, talagang ganun... talagang ganito ang mangyayari.

Pero okay lang. Alam kong makakayanan din natin ito. Sa bagay kasalanan natin ito. Bakit ko nasabi ito:

Unang-una, kung inalagaan sana natin ang ating natural resources at ipinukos doon ang atensiyon ng ating paghahanap-buhay, e di sana hindi tayo naghihirap. Kaya lang kasi tayo naghihirap ng ganito dahil sa wala tayong mapagkakitaan e, lalo ng ang mga taong nabibilang sa urban poor.

E ano ba ang ating maaasahan na magiging hanapbuhay natin? Kung maghahanap ka ng trabaho, kung wala ka namang pinag-aaralan ay totoong hindi tayo makakita ng trabaho agad. E, iyon ngang mga nagtapos ng College at ang iba ay may Master Degree pa hindi agad nakakita ng magandang trabaho, e yun pa kayang nasa Elemtary lang.

Kung magnenegosyo naman, kailangan din natin ng capital para masimulan ang negosyo. E kung mahirap lang tayo, talagang wala tayong aasahan sa negosyo.

Pero ganun pa man, kahit na sobra ang hirap sa panahon natin ngayon, kung magsikap naman tayo at magsipag, makakahanap din tayo ng magagamit natin sa pang-arawaraw. Marami namang paraan na malinis at naayon sa batas di ba?

Consider na lang natin yung mga taong nasa Payatas ngayon. Nang minsang mapadaan ako dyan, nakita ko ang isang mansion. Mansion ha! Pero alam niyo ba kung ano ang source of income ng may-ari nito? Basura! See. Kahit sa basura, mabubuhay din tayo. Wag mo lang kainin ang basura.

Kahit sa Japan naman e. Marami doon ang nabubuhay sa basura. Ang kakaiba lang naman kasi ng basura doon ay hindi mabaho tulad ng sa atin dito. Gaya na lamang ng mga lumang sasakyan, mga appliances at marami pang iba. Ang totoo nga, karamihan sa basura doon ibininta na dito sa Pilipinas e. At ang Pilipinas ang naging basurahan na ng mga Japon.

Sa bagay, hindi rin natin maaring maikumpara ang Japan dito sa Pilipinas. Doon kasi kahit na matataas ang bilihin doon, ang mga tao naman kasi, doon masisipag at suportado ng Gobyerno. E dito sa Pilipinas? Sa bagay masisipag din naman tayo diba? Masipag matulog at gumawa ng katarantaduhan. Suportado rin naman tayo ng Gobyerno e. Suportado tayo sa pangungulekta ng buwis na napupunta lang sa bulsa ng mga gahamang politiko na nakaupo ngayon sa Gobyerno.

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com