The Crying Shoulder
Alam niyo, para kaming mga artista ni Joyce. Tinginan nga sa amin ang mga tao e. Paano kasi, nang magkita kami ay bigla ba namang yumakap sa akin saka umiyak. Nalilito ako kung anong gagawin ko. Namula nga ako dahil kitang kita ko ang mga mata ng mga taong sakay ng mga jeep, at iba pang dumaan, lahat sa amin nakatuon. Kaya, dalhin ko sana siya sa isang lugar na kami lang, para atleast kahit anong gagawin namin walang ibang makakapansin.
But then, sa halip na ako ang magdala sa kaniya sa isang lugar, she suggested na it's better if sa kaniyang room na lang sa isang hotel kami magpunta. Kaya doon nga kami nagkuwentuhan.
Joice is just a sister for me, gaya ng sinabi ko sa mga unang post ko and I am just a big brother sa kaniya.
Pagdating doon sa room, habang nagkukuwento siya sa kaniyang mga problema panay naman ang iyak niya. I don't even know kung anong gagawin ko kahit doon na kami lang ang tao. Halos ayaw na akong bitiwan sa pagkayap. Ang hindi niya alam, nadadala na rin ako. After all, tao lang ako.
Actually maliit lang ang problema niya. Nagkataon lang na na-inlove siya sa kaniyang boyfriend na lokoloko.
Noong magpaalam siya sa akin na sasagutin na niya yang taong yan, pinaalalahanan ko na siya na magiging handa sa maaring mangyari, dahil maari siyang masaktan kung sakaling may gagawing kalokohan ang lalaking yon. I even told her na hindi dapat iyakan ang mga ganyan. Pasalamat nga siya at habang maaga ay nalaman niya ang mga kalokohang ginawa ng lalaking iyon.
After several hours of cheering her up, naging okay din ang takbo ng pakikiramdam niya. Hanggang sabihin niya, na "well, ganoon talaga ang buhay. Gaga kasi ako kaya naging ganon ang nangyari...." and then she smile to me. Tapos isang mahigpit na yakap uli at hinalikan ako sa pisngi.
Wow! Para kaming mag-girlfriend a. Hindi. Walang malisya yon.
Then after that, umorder na ako sa Chowking ng mga pagkain namin for late lunch. Tapos, we spent the rest of our times na sa panonood ng mga palabas sa cable habang magkatabi kaming nakaupo sa kama, nagkukuwentuhan ng kung ano-ano.

Comments