Jojo Acuin and the Friday the 13th

I read from a tabloid na according to Jojo Acuin, this day, Friday 13th is the evil and blood day. Kaya mag-ingat daw tayo.

Pero, sa totoo lang, wala namang pinakaiba ang araw ng Friday 13th sa ibang araw e. Puno daw ito ng kamalasan. Naniniwala ba kayo? Sa totoo lang, sinasabi ko sa inyo, hindi ako naniniwala dito. Bakit?

Ganito. Kung marami mang mga disgrasya ang nangyari sa araw na ito, marami din naman disgrasya ang mga nangyayari sa ibang mga araw a. Ang kamalasan talaga na sa tao lang yun. Kahit papano ay naniniwala pa rin ako sa buhay na maibibigay sa atin ng Dios. Ngayon kung puro kasamaan ang mga ginagawa natin at mga gawa ng kawalang disiplina, ay natural puro kamalasan ang aabutin natin. Pero kung maingat lang tayo at laging isinaalangalang ang kalooban ng Dios, for sure din walang kamalasan tayong maranasan. Sa mga mabubuting tao, alam ko kung may mga kahirapan man silang dinaranas yun ay isang bahagi ng mga pagsubok lang sa kanila at bahagi din iyon ng buhay na bigay ng Dios sa kanila.

Sa bagay, marami din akong mga ginawang mga bagay na masasabi kong masama, pero kung anoman ang ibinunga noon sa buhay ko, kailan man ay hindi ko iyon ibinibilang na kamalasan sa buhay, dahil para sakin yun ay karapatdapat lang na aking daranasin bunga ng aking mga pagkakamali.

Kung may mga naaaksidente man sa araw na ito, sa aking paniniwala yun ay bunga lang ng kanilang katangahan o di kaya ay kawalan ng disiplina at pag-iingat.

Kung may mga tao man ngayon ay pinatay, bunga lang din iyon ng kanilang mga ginawang mga bagay na masasama rin. Subali't para sa mga taong napatay dahil napagkamalan, naniniwala po ako na talagang hanggang doon lang ang kanilang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com