She called me

This evening, Joyce called me. Marami daw siyang gustong ikuwento sa akin. She even asked me kung bakit hindi na ako nagte-text sa kaniya.

Actually, gustong-gusto ko siyang ite-text kaso talagang taghirap ako ngayon. Wala na nga yong mga mahahalagang gamit ko, naibenta ko na. Minalas e. Kasabay ng pagkawala ng girlfriend ko nawala na rin ang lahat ng mga gamit ko.

Pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa kabila ng lahat ng ito, nariyan pa rin si Joyce. Although Brotherly lang ang tingin niya sa akin, pero atleast may dumamay pa rin sa akin.

Pero anu kaya ang ibig sabihin ng sabi niya na marami rin siyang gustong ikuwento sa akin? Tungkol ba ito sa boyfriend nya?

Alam niyo, kakaiba ang pagkakaibigan namin ni Joyce. Ewan ko kung may magkaibigan ding iba na katulad ng pagdadala namin. Kasi, halos wala kasi kaming sinisekreto sa isa't isa e. Mula sa pamilya nila, mga kaibigan niya, maging sa relasyon niya sa boyfriend niya, lahat lahat ay ikikwento niya sa akin, pati na kung ano ang kanilang mga ginagawa.

Kaya ngayon na tumawag siya sa akin, sigurado ako may malaking problema na naman ang babaeng ito.

Pero para sa inyong kaalaman, anu po, si Joyce ay dati kong nililigawan. Kaso, ayaw niya na ligawan ko siya, kasi gusto daw niya, big brother lang ako. Kaya , sige na lang din ako. At least magkasama kami lagi sa pamamasyal, pagsisimba, manuod ng sine at kung saan-saan pa. Nagbago nga lang ng kunti ang takbo ng lakad namin simula ng magkaboyfriend siya kasi minsan daw nagseselos sa akin itong bf niyang pangit.

Pero ngayon, mukhang may lakad na naman yata kami. Kasi, sa tuwing may problema siya, tinatawagan nya ako, tapos makikipagkita sa isang lugar, at siyempre, solo namin ang lugar na iyon. hehehehe. Kung anoano yata iniisip niyo nang sabihin kong solo namin ang lugar na iyon. Pero totoo yun. Kaya nga sabi ko kanina, kakaiba ang pagkakaibigan namin.

Halik? Normal lang sa amin yon, pero hindi yung halik na may halong romansa. Yakap? Normal lang din sa amin yon. Pero hindi yung yakap na may halong hipo. Magkatabing matulog? Normal lang din sa amin yun. Pero walang halong anu... alam niyo na. Pero siyempre, tao lang ako, nadadala din ako, ewan ko lang sa kaniya kung nadadala din siya.

So, hanggang dito lang muna. Sa susunod na post ko, kwento ko sa inyo ang iba pa.

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

New SSS Inquiry Website