Tag-ulan na naman?

Mukhang nagsisimula na naman ang Habagat. Ibig sabihin, makakaranas na naman tayo ng ulan. Pero ewan ko kung tag-ulan na naman ba o baka nabigla lang ang atmosphere at naibagsak niya ang hawak niyang mga tubig.

Kanina kasi ang lakas ng ulan. At ibinalita pa ni Mike Enriquez na meron na raw Low Pressure na namuo malapit sa Surigao. Sa bagay, balita ko, sa bandang Surigao at ibang bahagi ng Mindanao, paminsanminsan ay inuulan din sila kahit ganitong napakatindi ang init sa Summer.

Pero sana kahit minsan uulanulan naman at nang di matigang ang mga lupa dito sa Pilipinas. Ito ngang ulo ko, natitigang na rin yata. Kaya nga halos limang beses na akong naligo sa isang araw. Pero kahit na, nakakalbo na rin ako sa tindi ng init. Biruin mo, may mga oras na kailangan mong maglakad sa ilalim ng araw, at talagang ramdam ko ang init na dumadampi sa ulo ko. At kung hawakan ko naman ang ulo ko, naku! ang tindi ng init.

Sa bahay naman, wala naman kasing aircon, kaya basang basa lagi ang kumot ko ng pawis ko. Kaya minsan naalala ko, bagay lang na naghiwalay kami ng girlfriend ko ngayon, kasi ang init ng panahon. Ang babaw ko anu?

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com