Malamig sa labas, mainit katawan ko
Malakas ang ulan dito sa amin. Ewan ko sa dyan sa inyo. Ang sabi sa internet, mainit daw isa ibang bahagi ng Pilipinas. Pero, kahit malamig dito, malamig nga rin ang pakiramdam ko, pero mainit ang katawan ko. Sobra ang init, na kahit ang itlog siguro ay kayang lutuin. Mataas daw lagnat ko, sabi ng nanay ko. Ang totoo, masakit din ang ulo ko. Pero hindi ito hadlang para hindi ako magpost dito. Ang totoo, ito ang pinakamagandang panahon para ako magpost ng mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Malay ko kung ito na ang katapusan ko sa mundo, at ang mga post ko dito ang tanging alaala na aking maiwan sa inyo. Pero, naniniwala ako na hindi pa ako papatayin ng Dios dahil masama akong damo. Di ba sabi ng marami, ang masamang damo, matagal mamatay? Pero sana nga, para magkaroon pa ako ng time na magawa ang mga bagay na maaring makakatulong sa akin para maabot ko ang aking mga pangarap.