Position

Ang pinsan ko, masyadong makulit. Hindi ako tinatantanan hanggang sa aking sagutin ang kaniyang tanong. Alam mo ba kung anong tanong niya? Kung ano raw ang pinakamagandang sex position na maari nilang gamitin ng kaniyang asawa?

Pambihira talaga itong taong ito. Biruin mo bang sa akin na binata pa ako, nagtatanong ng ganitong tanong. Dapat nga sana sa kaniya ako magtanong e dahil alam ko, kahit papano ay nag-eksperimento silang mag-asawa kung anong magandang position ang maaring gamitin para lalong enjoyable ang kanilang pagsasalo kainang yan na walang ubusan.

Ayon sa kaniya, kaya daw siya nagtanong sa akin ay dahil alam niya na marami akong experience sa sex dahil sa dami ng mga babaeng nakakasama ko sa buhay. Ganoon ba yun?

Ang totoo, hindi sa dami ng babaeng naikama mo at matawag ka nang expert sa sex. Kundi nasa leksiyon na natutunan mo habang ginagawa niyo ito. Kahit iisa lang ang naging partner mo mula noon hanggang ngayon, kung hinahanap niyo ang magandang paraan ng pagpapaligaya sa bawat isa ay sigurado akong matututu kayo sa mga pinaggagawa ninyo.

Siyempre, hindi ito magagawa ng kabila lang. Kailangan, both of you ay magtutulungan.

Halimbawa, meron kang ginawa sa asawa mo, at para malaman mo na satisfied siya, kailangan din niyang ipaalam sayo sa pamamagitan ng kilos, o maging sa pagsasalita din. Maaring hawakan niya ang kamay mo para manatili sa lugar na nagbibigay sa kaniya ng magandang sensation or siya mismo ang mag-guide sayo kung saan ka dapat dumako o mag-stay. Natural tandaan mo rin ang mga instructions na ibinigay sa iyo ng asawa mo para sa susunod ay alam mo na ang dapat mong gawin.

Ikaw din, mag-isip ka ng mga paraan na ang 30 minutes ninyong pagsasalo ay maging kasiyasiya sa bawat isa sa inyo. Huwag mong isipin ang para sa iyo lamang, kundi isipin mo ang para sa kaniya at siya naman ang para sa iyo. Sa ganong paraan, both of you will enjoy.

Ang totoo, marami ngang babaeng dumaan sa aking buhay, pero minsan ko lang sinikap na maging enjoyable ang aming pagsasalo. Most often ay ginagawa ko alng ang mga bagay na magbigay sa akin ng saya, hindi sa kaniya.

Comments

Popular posts from this blog

Naked Katrina Halili

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

New SSS Inquiry Website