Morales vs Pacquiao Boxing Match
Halos lahat na yata ng mga away ni Pacquiao ay napanood ko na, and talagang exciting ang lahat ng mga iyon. Mapapasigaw ka, mapapakuyom o mapapasuntok man sa anumang bagay na nasa harap mo.
Kanina, habang nanunuod ako ng Morales vs Pacquiao bout, something in me ang siyang nagbigay sa akin ng lakas although mahina ang aking katawan dulot ng taglay kong karamdaman.
Bagaman talo ang aking idol sa bout na ito, ay panalo pa rin siya sa aking puso. Ang mga strategy niya at ang lakas ay talagang kakaiba.
Sa dalawang unang round pa lanag ay naipakita na ni Pacquiao ang kaniyang galing at kung nanatili lang sana ang gayon ay sigurado akong panalo siya.
Subali't sa pangatlong round ay nagawa ni Morales na baguhin ang kaniyang strategy. Naiilagan niya ang karamihan sa mga suntok ni idol Manny.
Habang tumatagal ang laban ay lalong nagkakaroon ng chance ang kalaban na mapaangat ang kaniyang puntos lalo na nag magkaroon ng sugat sa itaas na bahagi ng kaniyang mata sa panahon ng 5th round.
Sa 9th round ay muling kumilos ang malalakas na kamao ni Pacquiao na umatake sa kalaban. Nagawa mang gumanti ni Morales ay na-corner pa rin siya ni Pacquiao sa dulo ng round.
Sa 10th round ay muntik nang mapatumba ni Morales ang aking pinakamamahal na idol. Mabuti na lang at may lakas pa rin itong natipon sa katawan at naisurvive niya ang mga atake ng kalaban.
Alam ng kababayang boksingero na tanging ang Knockdown lang talaga ang magpapanalo sa kaniya lalo pa ngayon na talagang lamang na sa puntos ang kalaban. Kaya't hinahanapan na nito ng magandang pagkakataon ang kalaban, hanggang sa magbago ng stance si Morales at nabigyan naman ng idolo ng isang magandang shoot ang kalaban, subali't naipanatili pa rin ni Morales ang kaniyang mga paang nakatayo, hanggang sa makuha niya ang desisyon.
Kakaiba ang labang ito. Gaya ng nasabi ko na kanina, talo man si Pacquiao sa desisyon ng mga judges ay panalo pa rin siya sa puso ng mga Filipino.

Comments