Bayani Fernando at EDSA Traffic

Kanina, nabasa ko sa isang Tabloid na ipinalabas sa Headline ang picture ng EDSA Kamuning na sumikip sa traffic, at sa caption nito ay mababasa ang isang mensahe na sinisisi si Bayani Fernando ng MMDA sa nangyaring problema sa traffic.

Alam niyo, hindi natin dapat sisihin si Bayani dito. Kung nilagyan man ng Yellow fences ang EDSA lalo na yang nasa Kamuning, hindi yan kasalanan ni Bayani.

Kung disiplinado lang sana tayong mga Pinoy lalo na sa mga narito sa Metro Manila, e di sana wala yang Yellow Fences na yan.

Tanong ko lang sa mga staff na nagpublish ng tabloid na iyon... Hindi niyo ba alam na ang Yellow Fences na yan na inilagay ng MMDA ay para maipatupad ang disiplina sa EDSA? Kung hindi niyo alam, mag-isip nga muna kayo.

E ano ba ang dapat nating gawin para mawala na yang yellow fences na yan? Unang-una po ay disiplinahin natin ang ating sarili. Tayo mismo, mula sa mga commuters at ang mga drivers ng mga sasakyan na yan.

Bakit kailangan pati commuters dapat ding disiplinahin? Narapat lang na sila man ay disiplinahin dahil sa sila ang unang dahilan kung bakit ang ibang mga drivers ay napilitang pumara sa hindi dapat parahan at huminto sa hindi dapat hintuan. Ang iba kasing mga pasahero ay nagagalit kung hindi masunod ang kanilang gusto, at ang iba naman ay naghihintay ng sasakyan sa hindi naman antayan.

Of course, ang mga driver din narapat na disiplinahin dahil, pinaparada nila yang mga sasakyan nila sa hindi dapat na pagkaparada. Minsan nga, kina-cut pa nila yang mga sinusundan nila ng wala sa lugar e. At karamihan, lalo na ng mga bus drivers ay nagbababa ng pasahero sa gitna ng highway.

Kaya, wala pong dapat sisihin sa nangyari na traffic lalo na dayan sa may GMA7. Ang mga yellow fences na yan ay para sa atin at sa kaayusan ng EDSA.

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com