Dahil sa Blog
Alam niyo, dahil sa blog na ito at sa aking pagba-blog ay inaway ako ng girlfriend ko. Mas mahalaga ba raw sa akin ang blogging na ito kaysa kaniya?
Sabi ko, ano bang klaseng tanong yan? Kailan man ay hindi maaring pagseselosan ang pagba-blogging ko dahil isa lamang itong hobby.
Nagsimula kasi yun kagabi nang yayain niya akong manuod ng sine sa SM -Megamall. Sabi ko sa Sunday na lang kasi may ipa-publish ako sa blog ko, marami. Yun lang ang sinabi ko, nagalit na. Hindi niya kasi alam na ang pagba-blog ko kagabi ay isang paraan lang ng pagiwas sa lakad dahil wala akong perang panggastos. E nahiya naman ako sa kaniya kung pati sa lalakarin namin kagabi ay siya pa rin ang gagastos. Lagi na lang siya. Di ba nakakahiya yun? Ikaw ang lalake tapos ang babae ang gagastos sa mga lakad niyo.
Sa bagay, mas maganda rin ang give ang take, pero maganda pa rin talaga kung ako ang gagastos.
Kaya, hayun, nilayasan ako. Umuwi sa kanila at hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkabalikan.

Comments