Kakainis
Kakainis isipin kung ang mga gamit ko ay hinihiram ng ibang tao at hindi agad naibabalik sa akin. Okay lang siguro kung ang hiniram na gamit ay hindi ko na ginagamit, at maari ko na itong balewalain o di kaya ay ibigay sa kanila. Pero hindi ikapapalagay ng damdamin ko ay kung ang hiniram na gamit ay mahalaga sa aking trabaho, o personal na pangangailangan.
Ba't ko ipinahihiram? Actually, talaga ngang mahina ako kung tanggihan ang pag-uusapan. Kung may manghiram sa akin ng anumang gamit ko, lalo na't malapit sa akin, ay wala akong lakas na tanggihan sila. Kaso, pagdating ng araw na kailangan ko nang gamitin at hindi agad naibabalik, talaga ring mainit ang dugo ko.
Pero sa kanila sana na nanghihiram, isipin din sana nila na ang bagay na ginamit nila ay hindi sa kanila. Madali lang naman ang pagsauli e. At isa pa, nong panahon na kailangan nila, wala silang tigil sa kahahanap sa akin para lang mahiram ang bagay na iyon, at nang matapos na nilang pakinabangan, hindi man lang makaisip na isauli ito kahit hindi na sila magpasalamat.

Comments