Natutukso sa Kapatid

I have a friend who has a girlfriend na kay ganda at maganda rin ang simula ng kanilang relasyon, subali't nagtapos naman sa magandang samaan ng loob. Magandang samaan ng loob? Nakakalito yun a.

Hindi, ganito kasi ang nangyari. This morning, kaya hindi ako nakagpaglog dito sa internet, dahil niyaya niya akong kuman sa Hapchan Restaurant sa may West Avenue na malapit sa may Manila Water Seawerage System, halos kaharap ng Kabalen Restaurant sa West.

I thought, he just want to date with me. Uhum... lalake siya at ganon din ako pero walang bakla sa amin. Then pagkatapos naming kumain, bigla ba namang lumuha yung tao.

Kaya sabi ko, "hoy! baka akalain na may relasyon tayo..." Nang marinig niya ang sinabi ko, bigla nyang pinigil ang sarili niya. Mga ilang sandali kaming tahimik. Siguro 5 minutes yun, then nagsimula na siyang magkuwento.

Last night daw, nakipagbreak ang kaniyang girlfriend sa kaniya. "Owsss! Nakipag break na pala ba't ka iiyak dyan. Ayaw mo nyan free ka nanaman... e di manligaw ka uli."

E mahal daw niya yung babae e. Ayaw daw niya sanang pakawalan pero wala siyang magawa dahil kasalanan niya. Kaya tinanong ko kung anong kasalanan niya. "May nangyari kasi sa amin ng kapatid niya..."

Nang marinig ko yun bigla akong napasigaw ng "ha? Pambihira ka!"

TAlaga ngang pambihira. Biruin mo, magkakapatid, tinira ba naman. E kung ako rin yung girlfriend niya talagang i-break ko rin sya. At hindi lang yun baka may magawa pa akong masamang bagay sa ganyang tao.

Nakita ko nang ang batang tinira niya. Maganda rin at mas maganda pa kaysa girlfriend niya.

"Pano ba nangyari yun?" Tanong ko.

Kasi daw nung nakaraang linggo, nagyaya ang batang magpasama sa Tarlac may dadalawin daw na kaibigang namatayan. Natural dahil nakikiusap yung tao sinamahan na niya. Wala naman daw talaga siyang balak na gawin sa batang iyon dahil nga ang turing niya don ay kapatid. Pero pagdating daw doon, magkatabi silang natulog. At paggising niya sa madaling araw nakayakap sa kaniya ang bata... hanggang sa nagkatuksuhan na.

"wwwww! Wag mong sabihing may gusto rin sayo ang kapatid niya?" Tanong ko.

"Ewan ko. Basta, siya ang gumawa ng unang hakbang..."

Mahirap nga yun. Kahit siguro ako, baka matukso nga rin ako kung ganon ang gagawin sa akin ng babae. Lalo na madaling araw iyon... Malakas daw ang tukso kung gagawin ito sa madaling araw.

O siya. Hayan nagbunga na. Padala kasi sa tukso kaya hayan hiniwalayan ka ng girlfriend mo, tapos umiiwas na rin ngayon ang kapatid niya sayo.j Talo ka nga...

Pero don't worry kaibigan. Lalake ka e. Gwapo pa tulad ko. Ba't di mo ko gagayahin, easy-easy lang. Kaya, tingnan mo girlfriend ko, kapit sinturon sa akin.

Comments

Popular posts from this blog

Naked Katrina Halili

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

New SSS Inquiry Website