Ang sarap 'pag nagmamahal
May isa akong kaibigang taga-Pangasinan. Tinuring niya akong kapatid and ganon din siya sa akin.
Noong nakaraang February 2005 ibinalita niya sa akin na may nanligaw daw sa kanya. Nagtatanong sya lagi kung anong kaniyang gagawin. Kaya pinapayuhan ko rin siya. At ang nakakatuwa, halos lahat ng payo ko sinunod niya.
Then, kagabi, nagtext siya sa akin. Sabi ba naman niya, Masarap daw pala ang may minamahal at may nagmamahal.
Sagot ko naman, "Aba oo naman. Masarap talaga, lalo na kung siya ang first kiss mo, first hug at iba pa." Ayoko na sanang banggitin pa ang ibang mga maaring UNA para sa kaniya kung relasyon ang pag-uusapan. Pero tinanong niya ako kaya napilitan akong sabihin to.
Sabi ko, "Yung iba pa na sinasabi ko...Unang... Natural sya ang unang halik mo, unang yakap mo, e kung nagkasarapan, baka unang hipo, unang romansa..."
Sinagot niya ako, sabi nya, "ang bastos mo naman kuya."
Bastos ba? Pinaliwanag ko sa kaniya. Kasi ang totoo, ito ang karaniwang nangyayari sa mga babaeng nakikipagrelasyon. Naturral, hihiling yan ng halik. Ngayon, papayag ka naman. O ang sarap ng feeling ha kung hahalikan ka. Parang nasa heaven ka nun. At parang gusto mong halik-halikan lagi at nalalasahan mo pa ang sarap ng kaniyang laway (maliban na lang kung badbreath siya).
E, yung halik, first step pa lang yun. Ang halikhalik ay maging yakapyakap na. E biruin mo rin, kung anong maramdaman mo kung niyayakap ka. Di ba masarap din. Masarap na parang ayaw mo na siyang bitiwan. Sarap na parang hihimatayin ka, lalo na kung first time mo.
Second step pa lang yun. Pagkatapos nun, romansahan na. E di lalong masasarapan ka non. Diba? Sabihin niyong sinungaling ako, kung hindi ito totoo. E, anong kasunod nito, diba hipuan?
Kaya nga sabi ko sa kanya, "kung nais mong maingatan ang pagkababae mo, wag mong pahintulutang maka-3rd step ang boyfriend mo, dahil kung mangyari yan, sigurado ako pupunta na yan sa 4th at final steps. E kung hindi totoong pag-ibig ang naramdaman niya kundi libog lang pala, e di kawawa ka."
Pagkatapos non, matagal na hindi siya nagtxt sa akin. Nag-iisip yata. Kinabukasan, nagtxt siya uli. Sabi niya totoo raw ang mga sinasabi ko at naka-3rd step na nga raw. Pero hanggang doon na lang daw, hindi na niya pahintulutang maka-final step siya.
Sabi ko, "ay natural, mag-ingatingat ka naman. Baka sa bandang huli ka na magsisisi niyan kung papayagan mo pang maka-final step siya."
Totoo, 'pag nagmahal ay may maramdaman kang sarap lalo na kung may ginagawa kayong kakaiba. Pero kung nais nating manatili ang sarap na yan habang buhay, sikapin natin na pigilin munang gawin ang mga bagay na hindi nararapat habang hindi pa kasal.
Sa mga babae, mas mabuti sana kung ang buo mong katawan at pagkatao ay mailaan mong malinis at walang dungis para sa iyong asawa.

Comments