Luzon wet market demolized

I was driving home this morning from Fairview to Caloocan via Commonwealth Avenue when I passed by Luzon Wet Market.

Nasurprised ako sa aking nakita. Sira-sira na ang mga tindahan doon. Ang iba nama'y nagsimulang magtayo ng panibagong tindahan kapalit doon sa sinira ng mga taga MMDA Demolization team.

Kawawa ng mga Pilipinong apektado sa pangyayari. Ang pagtitinda na nga lamang ang kanilang ikinabubuhay ay pinagtiyagaan pang ipagiba ng MMDA.

Maaring sabihin ng iba, ba't ayaw nilang kumuha ng maayos na pwesto sa mga public market? Opo, totoong magiging maayos sana ang lahat kung ang mga taong ito ay kukuha ng maayos na pwesto sa mga public market na ipinatayo ng gobyerno at ng iba pang mga ahensiya. Pero ang tanong, makakayanan kaya nilang magbayad ng mataas na halaga bilang upa sa sinasabi nilang maayos na pwesto?

Karamihan sa mga nagtitinda dito sa Luzon Wet Market ay mga nakatira sa squatters area ng Luzon Avenue na minsan ay kumakain ng isa o dalawang beses lamang sa isang araw. Kung ang pagkain man nila ay mahirap para sa kanila ang paghahanap, paano pa kaya ang pambayad sa upa? Mahirap diba? Kaya nga napilitan silang magtinda dyan sa corner Luzon and Commonwealth avenue para kikita ng kahit kukunti para sa kanilang ikabubuhay.

Minsan ako'y naguguluhan kung sino ang dapat na sisihin sa mga pangyayari. Ang mga taga MMDA ba o ang mismong mga taong ito?

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com