Learned from the old man

This noon, dumaan ako sa bagong Chowking Restaurant sa Robinson dyan sa corner Tandang Sora at Commonwealth Avenues. Bago yun, ewan ko kung kailan nagsimulang magbukas ang Robinson na yan at Chowking. Sa totoo lang, pangit yung building na ginamit ng Robinson. Biruin mo nagbukas na pero hanggang ngayon di pa tapos. Yung mga ilaw nila may mga wires pang nakalawit. Duda ko hindi Robinson ang nagpagawa noon.

E di kumain ako doon kanina. Punong-puno. Pero ang kakaiba sa lahat ng Chowking na napuntahan ko, puro naka-formal ang mga taong naroon. Meron pa ngang naka-Amerikana. Kaya pagkatapos kong mag-order umupo na ako don sa table na dalawahan pero isa lang ang nakaupo. May katandaan na rin.

Mamaya-maya meron pang padating, ganoon pa rin ang mga suot. Parang galing sila sa isang party. Kaya hindi na ako nakatiis, nagtanong na ako doon sa matandang kaharap ko. At doon ko nalaman na mga Iglesia Ni Cristo pala ang mga iyon. Galing daw sa pagsimba, este pagsamba pala ayon sa matanda. Sabi ko sa sarili ko, ahhh ito yung mga kasama ni Ka Webspy. Ang dami palang magaganda sa Iglesia, makapag-Iglesia na nga rin... hehehe joke.

Tapos madami kaming napagkuwentuhan ng matanda, hanggang sa mapunta kami sa pag-aasawa.

Sila daw kasi, I mean ang mga INC, tinuturuan na kung gusto nilang magkaroon ng asawang mabait kailangang hilingin nila iyon sa Diyos, dahil Dios lang daw ang makapagbigay nito sa kanila.

Sa bagay totoo rin yun. Tapos dugtong pa niya:

"Pero, kahit na yung ibigay sa iyo ng Diyos ay totoong mabait, may ugali pa rin yang masama. Ang bagay na iyan ay hindi mo dapat ika-discourage kasi ganyan talaga ang Diyos. Lagi kang bibigyan ng pagsubok, dahil sa pagsubok ka magiging matatag. Ibinigay sa iyo ang pagsubok na yan, ibig sabihin kaya mo yan, kasi ang Diyos daw ay hindi nagbibigay ng pagsubok na mahirap. At kung malagpasan mo ang pagsubok na yan, sigurado akong magiging masaya ang pagsasama niyong mag-asawa."

"Kaya yang makikita kong magsyota na parang ayaw nang mahiwalay... nakayakap lagi yung babae sa lalaki? Hindi totoo yan. Hanggang sa pagiging magsyota lang yan. Tingnan mo kung mag-asawa na yan, kung kailan madiskobre na nila ang mga ugali nilang tago... di ba laging mainitin ang mga ulo ng mga iyan. Maliban na lang kung malalagpasan nila ang stage na yan."

Sabi ko sa sarili... totoo ngang sabi ng matanda. Yang kainitan sa relasyon, nangyayari lang talaga sa panahon ng pagkasintahan. Pero pagdating ng panahon ng pag-aasaawa lalo na sa time na nag-adjust pa lamang ang dalawa sa isat isa, naroon lagi ang misunderstanding at pag-aaway.

Minsan nga masabi mo sarili mo sa panahon na makikita mo na ang tunay na ugali ng babae na... "Naloko mo ako a. Hindi naman yan ang pinakita mong ugali noong magkasintahan pa tayo!"

At tama nga rin yung sabi nung matanda na kung malagpasan na nila ang time na kung saan kinikilala pa lang nila ang isat isa nila, ay babalik din yung kainitan nila sa isa't isa. Yung tulad noong magsyota pa lang sila.

Maramirami din akong natutunan doon sa matandang yun. Nais ko pang makipagkuwentuhan sa kaniya pero, sinundo na siya ng kaniyang Apo na isa ring Iglesia, ang ganda pa.

Comments

Popular posts from this blog

My First Encounter of the Iglesia Ni Cristo

Naked Katrina Halili

www.scandal.com