Posts

Showing posts from March, 2005

Static Electricity

This morning my girlfriend and I spent 8 hours in computer without rest. Then at 5:00 PM I invited her for our lunch. See... lunch pa yun ha. Pero ayaw pa niya. Naadict sa chat e. I tell her na I will buy food na lang in McDonalds and she agreed. Before leaving I tried to touch her face and kiss her. But before my lips touched her lips, napasigaw siya. Ako man din ay nagulat, for we both feel electricity flowed into us and that we even heard the sound of it.

Hangover

I wake this afternoon with hangover. Sabi ko na nga ba ayuko nang uminom! How many times na ba na I always say, "I will never drink wine or beer again." I know, it is me who will be blamed. I went to Libis with my cousins, kahit na alam kong mga lasengero ang mga ito. We're 4 sa table but we emptied 4 cases of beer. See?!? Ibig sabihin, tig-iisang case kami ng beer, wherein every case has 24 bottles. Oh God! Ano ba itong napasok ko? Malaki na nga tiyan ko, lalo pa itong palalakihin ng mga beer na ito. Although wala akong ginastos don sa inuman na yun, but nanghihinayang pa rin ako, because I wasted my time. Ayoko na!

Indonesia Hit by Earthquake

After the Earthquake on December 2005, Indonesia experience dozens of aftershocks. But on Monday, March 28, 2005 she again experience an earthquake which caused a large damage on its property. Is the country cursed by God or it only shows that Christ's return is near?

Nakakaasar

Nakakaimbarrass sometimes na malaman mong, ang girlfriend mo'y patay na patay kay Cholo. You know, yesterday when we both engage in a very romantic kissing, my girlfriend mistakenly uttered the name of the character of the Koreanovela "Stairway to Heaven". Kakaiinis. Pati ba naman si Cholo, pinagpapantasyahan niya! Akala siguro niya natutuwa ako sa nalaman ko. Biruin mo, she's kissing her boyfriend then in time na nasa heaven siya, si Cholo pala kasama niya! Wow naman.

Naked Cholo

It is funny sometimes to know that there are internet users who are tying to access this blog by searching Google and Yahoo using the keywords "Naked Nude Cholo". I don't know if they were gays or ladies who were interested with the picture of Cholo (one of the main character in GMA7's Stairway to Heaven). I even wondered why are they interested with it. Anyway, if they have boyfriends, I want tell them, they better ask their boyfriends to take off clothes and wanders with their body. This is because, cholo's body and of their boyfriends are just the same figures.

Passion of the Christ: Good Friday

Good Friday. On this day, Christ carried His cross into the calvary where He was nailed into the cross. If you have watched the movie Passion of the Christ, you'll probably think how hard Christ had felt during that time, where He was hit by the soldiers and even as He was being nailed into the cross. We should remember that Christ permit it to happen in order to save our sins and receive the blessings from God as His Son and Daughters.

Pinoy Maniacs on my blog

I was encourage to track the visitors of my site by my discovery that Pinoy Maniacs are my frequent visitors here in my blog. But, to tell you, this blog doesn't contain materials of which Pinoy Maniacs could benefit for their lust and desire. Since the creation of this blog, I already had tracked hundreds of Sex-Interested people tried to access it by searching Google or Yahoo using keywords such as "Pinoy Nude", "Pinoy Naked", "Pinoy Sex" or "Pinoy Sex Nude" and other sex related keywords. Anyway, I am very much inspired to continue writing blogs for this blog, especially sex related topics but not in an indescent way of writing.

On Semana Santa

Semana Santa na pala. Magsisiuwian na naman ang mga tao from Metro Manila to their own provinces in orde to commemorate this special days with their family. Dagsaan na naman ang mga tao sa lahat ng mga bus terminals, sea ports and airposts. Mapera na naman ngayon ang mga transportation companies. Subalit, ang ganitong panahon ay siya namang target ng mga Muslim terrorists. They're allegedly planning to bomb establishments wherein naroon ang maraming mga tao. Kaya naman, red alert ang government troops ngayon lalo na dito sa Metro Manila. Dumagsa din ang mga turista sa mga turism spots dito sa Pilipinas. And on Friday, expected na natin na ang mga Jehovah's Witnesses and the Iglesia NI Cristo will be out on the beach with their families and brethren in the Church. While tayong namang mga Katoliko ay nalulungkot in commemorating the passion and death of Christ. Anuman ang ating mga ginagawa, Muslim man tayo o Christiano... Good luck na lang po sa inyong lahat.

Writing in English

Ang hirap mag-English a. Starting this day, I will posting my articles using English language. This is to follow Ka Webspy's advice, making my blog an international kind of which anyone can read it what ever his citizinship is. Actually, I can't write faster as much as I am writing Filipino articles. It seems like I am loosing my head. I don't even have a better ability grammar and spelling. Anyway, this would help me in the field of writing. Who knows someday, I will become a great journalist or blogger.

On Pacquiao Again

I agreed with what President Arroyo had said: Manny is the Filipino sports hero. He will always be welcome in Malacañang And it is true that he is a hero becuase he showed the true Filipino strength and courage which are actually lossing to many of the Filipino now.

Morales vs Pacquiao Boxing Match

Halos lahat na yata ng mga away ni Pacquiao ay napanood ko na, and talagang exciting ang lahat ng mga iyon. Mapapasigaw ka, mapapakuyom o mapapasuntok man sa anumang bagay na nasa harap mo. Kanina, habang nanunuod ako ng Morales vs Pacquiao bout, something in me ang siyang nagbigay sa akin ng lakas although mahina ang aking katawan dulot ng taglay kong karamdaman. Bagaman talo ang aking idol sa bout na ito, ay panalo pa rin siya sa aking puso. Ang mga strategy niya at ang lakas ay talagang kakaiba. Sa dalawang unang round pa lanag ay naipakita na ni Pacquiao ang kaniyang galing at kung nanatili lang sana ang gayon ay sigurado akong panalo siya. Subali't sa pangatlong round ay nagawa ni Morales na baguhin ang kaniyang strategy. Naiilagan niya ang karamihan sa mga suntok ni idol Manny. Habang tumatagal ang laban ay lalong nagkakaroon ng chance ang kalaban na mapaangat ang kaniyang puntos lalo na nag magkaroon ng sugat sa itaas na bahagi ng kaniyang mata sa panahon ng 5th round. Sa 9t...

Bayani Fernando at EDSA Traffic

Kanina, nabasa ko sa isang Tabloid na ipinalabas sa Headline ang picture ng EDSA Kamuning na sumikip sa traffic, at sa caption nito ay mababasa ang isang mensahe na sinisisi si Bayani Fernando ng MMDA sa nangyaring problema sa traffic. Alam niyo, hindi natin dapat sisihin si Bayani dito. Kung nilagyan man ng Yellow fences ang EDSA lalo na yang nasa Kamuning, hindi yan kasalanan ni Bayani. Kung disiplinado lang sana tayong mga Pinoy lalo na sa mga narito sa Metro Manila, e di sana wala yang Yellow Fences na yan. Tanong ko lang sa mga staff na nagpublish ng tabloid na iyon... Hindi niyo ba alam na ang Yellow Fences na yan na inilagay ng MMDA ay para maipatupad ang disiplina sa EDSA? Kung hindi niyo alam, mag-isip nga muna kayo. E ano ba ang dapat nating gawin para mawala na yang yellow fences na yan? Unang-una po ay disiplinahin natin ang ating sarili. Tayo mismo, mula sa mga commuters at ang mga drivers ng mga sasakyan na yan. Bakit kailangan pati commuters dapat ding disiplinahin? Nara...

Dahil sa Blog

Alam niyo, dahil sa blog na ito at sa aking pagba-blog ay inaway ako ng girlfriend ko. Mas mahalaga ba raw sa akin ang blogging na ito kaysa kaniya? Sabi ko, ano bang klaseng tanong yan? Kailan man ay hindi maaring pagseselosan ang pagba-blogging ko dahil isa lamang itong hobby. Nagsimula kasi yun kagabi nang yayain niya akong manuod ng sine sa SM -Megamall. Sabi ko sa Sunday na lang kasi may ipa-publish ako sa blog ko, marami. Yun lang ang sinabi ko, nagalit na. Hindi niya kasi alam na ang pagba-blog ko kagabi ay isang paraan lang ng pagiwas sa lakad dahil wala akong perang panggastos. E nahiya naman ako sa kaniya kung pati sa lalakarin namin kagabi ay siya pa rin ang gagastos. Lagi na lang siya. Di ba nakakahiya yun? Ikaw ang lalake tapos ang babae ang gagastos sa mga lakad niyo. Sa bagay, mas maganda rin ang give ang take, pero maganda pa rin talaga kung ako ang gagastos. Kaya, hayun, nilayasan ako. Umuwi sa kanila at hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkabalikan.

Ang sarap 'pag nagmamahal

May isa akong kaibigang taga-Pangasinan. Tinuring niya akong kapatid and ganon din siya sa akin. Noong nakaraang February 2005 ibinalita niya sa akin na may nanligaw daw sa kanya. Nagtatanong sya lagi kung anong kaniyang gagawin. Kaya pinapayuhan ko rin siya. At ang nakakatuwa, halos lahat ng payo ko sinunod niya. Then, kagabi, nagtext siya sa akin. Sabi ba naman niya, Masarap daw pala ang may minamahal at may nagmamahal. Sagot ko naman, "Aba oo naman. Masarap talaga, lalo na kung siya ang first kiss mo, first hug at iba pa." Ayoko na sanang banggitin pa ang ibang mga maaring UNA para sa kaniya kung relasyon ang pag-uusapan. Pero tinanong niya ako kaya napilitan akong sabihin to. Sabi ko, "Yung iba pa na sinasabi ko...Unang... Natural sya ang unang halik mo, unang yakap mo, e kung nagkasarapan, baka unang hipo, unang romansa..." Sinagot niya ako, sabi nya, "ang bastos mo naman kuya." Bastos ba? Pinaliwanag ko sa kaniya. Kasi ang totoo, ito ang karaniwang n...

SMART's 258

Akala ko ba sa Friday pa magsimula ang 258. Ba't parang nung lunes pa nagsimula ito, di tuloy ako nakamaximize ng paggamit nito. Sa bagay nasa GMA7 lagi naka-tunein ang TV ko and sa pagkakaalam ko Globe ang nag-aadvertise dito habang sa ABS-CBN naman ang SMART. Kaya dapat talaga minsan tutune-in tayo kahit sa kabilang station. Sige, sa lahat ng SMART and TNT users, enjoy na lang kayo sa unlimited txt and call niyo.

Langit Ka, Lupa ako

Akala ko noong una, na ang title ng theme song ng Stairway to Heaven sa GMA7 ay Langit ka, Lupa ako. Kaya naman pala hindi ko nakita dito sa internet dahil hindi naman pala ganoon ang title. Gaya ng post ni Free Thinker ang pamagat pala nito ay Pag-ibig ko'y pansinin . Nakaka-inlove itong kantang ito. Bagay na bagay bilang theme song ng Stairway to heaven na halos lahat oras ng story nito ay iyakan. Nakakapanlambot ng puso. Kagabi nga pagkatapos kong manuod ng Stairway, nang mahiga ako para matulog, puso eksena ng Stairway to heaven ang nasa isip ko.

PLDT's 25/8 vs DIGITEL 24/7

Ngayon na nasa kainitan ng competition ang tatlong malalaking company ng Mobile Telecommunication, ay lalong naging magaan ang mga serbisyong kanilang offered sa atin lalo pa't pwede na tayong mag-unlimited call and text. Pero maraming mga taong nagsasabi na ang 25/8 ng SMART ay isa daw kalokohan. Wala naman daw kasing 25 hours sa isang araw at 8 days sa isang linggo gaya ng sa Sun Cellular na 24/7 text and call na ibig sabihin, no limit ang text and call in 24 hours a day and 7 days a week. Nang marinig ko ang kanilang comments about it, sinagot ko sila, na ang 25/8 unlimited text and call ng SMART at PILTEL, both owned by PLDT ay actually referring to the unlimited text and call through the access code 258. Pero para ipakita sa Sun Cellular na naasar sila sa nangyari ngayon sa competition na pinasimulan ng Sun Cellular ng Digitel ang 24/7 nito ay tinapatan ng 25/8 ng PLDT's units. Ang 25/8 ay may malaki ding kahulugan na maari nating bigyan ng pansin. Malinaw na an ibig sabih...

Ang pagkawala ng salapi

Alam niyo, kanina habang nagdedeposito ako ng pera sa banko ay naalala ko ang aking mga nagawang gastos kasama ang aking mga kaibigan. Sa totoo lang, gumagastos ako ng dalawang libo sa tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan. Pero, ang ganitong pangyayari ay hindi ko kailan man pinagsisihan. Unang-una, ang salapi ay ginamit namin sa pagkain at iba pang gastusin habang kasama ang mga kaibigan at hindi kung sa anumang bisyo. Mawalan man ako ng ganoon ka laking salapi ay hindi pa rin ito maituturing kalugihan dahil nariyan naman sila, ang aking mga kaibigan.

On Population Control

Alam niyo, dapat lang naman talaga na i-promote ng gobyerno ang paggamit ng contraceptives para ma-control ang population ng Pilipinas. Kaya minsan nagtataka ako kay Dr. Dayrit, kung bakit ayaw niyang i-promote ang contraceptives bilang isang pinakamagandang paraan para maiwasan ang pagdami ng mga tao sa Pilipinas e. Bakit? Alam naman niya na safe ito at hindi nagdudulot ng abortion a, gaya ng condom, pagtatali, IUD at iba pa basta nasa tama ang paggamit. At ang mga Pinoy naman basta't turuan mo lang ng tamang paggamit ay siguradong susundin ang itinuro sa kanila. Yung stance ng Catholic church tungkol sa contraceptives, actually kagagohan yan e. E kesyo, ang pagpipigil lang ang maaring gamiting birth control at na ang contraceptives ay labag sa kalooban ng Diyos sa procreation. Sa totoo lang, dahil sa paraang iyan na itinuturo ng Simbahan, ay ang siyang nagtulak sa mag-asawa upang mag-abort ng bata. Alam niyo kung bakit? Dahil sa kapipigil, nagdemonyo ang isip ng mag-asawa dahil s...

Position

Ang pinsan ko, masyadong makulit. Hindi ako tinatantanan hanggang sa aking sagutin ang kaniyang tanong. Alam mo ba kung anong tanong niya? Kung ano raw ang pinakamagandang sex position na maari nilang gamitin ng kaniyang asawa? Pambihira talaga itong taong ito. Biruin mo bang sa akin na binata pa ako, nagtatanong ng ganitong tanong. Dapat nga sana sa kaniya ako magtanong e dahil alam ko, kahit papano ay nag-eksperimento silang mag-asawa kung anong magandang position ang maaring gamitin para lalong enjoyable ang kanilang pagsasalo kainang yan na walang ubusan. Ayon sa kaniya, kaya daw siya nagtanong sa akin ay dahil alam niya na marami akong experience sa sex dahil sa dami ng mga babaeng nakakasama ko sa buhay. Ganoon ba yun? Ang totoo, hindi sa dami ng babaeng naikama mo at matawag ka nang expert sa sex. Kundi nasa leksiyon na natutunan mo habang ginagawa niyo ito. Kahit iisa lang ang naging partner mo mula noon hanggang ngayon, kung hinahanap niyo ang magandang paraan ng pagpapaligaya...

Cassava killed 27

Nakakagulat ang balita na 27 ka school children were killed by the Cassava sweets. Hindi ito basta-basta. Biruin mo maraming mga kabataan ang apektado. Pero ang minsang aking tanong sa aking sarili, talaga bang ang kinain nilang Cassava Sweets ang dahilan ng kanilang kamatayan? or baka naman doon sa nainom nilang pantulak? Sa bagay, hindi ko ito masagot sa ganang akin lang dahil wala naman ako doon sa Bohol kung saan nangyari ang trahedyang ito. Pero kung sa tingin ng marami, lalo na ng mga nag-iimbestiga don, na talagang nasa Cassava or balanghoy or kalibre ang lason na putay sa mga kabataan doon ay baka nga. Naaalala ko nga pala, na minsan ko nang naexperience na inutusan ako ng aking ina sa probinsya na magtanim ng ganitong root crop. At ang utos niya sa akin ay dapat daw, ay tama ang aking pagkatanim ng puno nito at hindi baliktad. Dahil sa kapagka baliktad daw ang pagkatanim ko nito ay magkakaroon ng lason ang maging laman nito. Nang tanungin ko siya kung bakit naging ganon, ay wa...

Kakainis

Kakainis isipin kung ang mga gamit ko ay hinihiram ng ibang tao at hindi agad naibabalik sa akin. Okay lang siguro kung ang hiniram na gamit ay hindi ko na ginagamit, at maari ko na itong balewalain o di kaya ay ibigay sa kanila. Pero hindi ikapapalagay ng damdamin ko ay kung ang hiniram na gamit ay mahalaga sa aking trabaho, o personal na pangangailangan. Ba't ko ipinahihiram? Actually, talaga ngang mahina ako kung tanggihan ang pag-uusapan. Kung may manghiram sa akin ng anumang gamit ko, lalo na't malapit sa akin, ay wala akong lakas na tanggihan sila. Kaso, pagdating ng araw na kailangan ko nang gamitin at hindi agad naibabalik, talaga ring mainit ang dugo ko. Pero sa kanila sana na nanghihiram, isipin din sana nila na ang bagay na ginamit nila ay hindi sa kanila. Madali lang naman ang pagsauli e. At isa pa, nong panahon na kailangan nila, wala silang tigil sa kahahanap sa akin para lang mahiram ang bagay na iyon, at nang matapos na nilang pakinabangan, hindi man lang makais...

Badtrip

Bad trip ako ngayon. Hindi ko gusto ang aking pakikitungo sa mga kaibigan ko. Masyado akong masungit, suplado at mainitin ang ulo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, basta na lamang naging ganito ang takbo ng pakikitungo ko. Yung isa nga, muntik na akong sampalin sa ipinakikita kong kilos sa kaniya at parang sobrang bigat ng aking mga sinasabi, yung tipong nakakaoffend sa tao. Anyway tapos nayun. Wala na akong magawa. Magsorry man ako sa sarili ko o sa mga kaibigan ko, pero wala na... nakatatak na iyon sa kanilang puso at isip. Actually, yan din ang dahilan kung bakit kami nag-away ng girlfriend ko. Hindi raw niya ma-take ang style ko ngayon.

Luzon wet market demolized

I was driving home this morning from Fairview to Caloocan via Commonwealth Avenue when I passed by Luzon Wet Market. Nasurprised ako sa aking nakita. Sira-sira na ang mga tindahan doon. Ang iba nama'y nagsimulang magtayo ng panibagong tindahan kapalit doon sa sinira ng mga taga MMDA Demolization team. Kawawa ng mga Pilipinong apektado sa pangyayari. Ang pagtitinda na nga lamang ang kanilang ikinabubuhay ay pinagtiyagaan pang ipagiba ng MMDA. Maaring sabihin ng iba, ba't ayaw nilang kumuha ng maayos na pwesto sa mga public market? Opo, totoong magiging maayos sana ang lahat kung ang mga taong ito ay kukuha ng maayos na pwesto sa mga public market na ipinatayo ng gobyerno at ng iba pang mga ahensiya. Pero ang tanong, makakayanan kaya nilang magbayad ng mataas na halaga bilang upa sa sinasabi nilang maayos na pwesto? Karamihan sa mga nagtitinda dito sa Luzon Wet Market ay mga nakatira sa squatters area ng Luzon Avenue na minsan ay kumakain ng isa o dalawang beses lamang sa isang a...

To Ka Webspy, Happy Birthday

Pre, happy birthday! Oy birthday mo ngayon. Painom naman... kahit softdrinks lang, alam ko hindi ka na umiinom ng makakalasing dahil igleng ka na e. Gusto mo, magcelebrate tayo sa mga restaurant ... kahit saan, kami ang bahala sa gastos. Basta... happy birthday and wishing you many more birthdays to come.

Learned from the old man

This noon, dumaan ako sa bagong Chowking Restaurant sa Robinson dyan sa corner Tandang Sora at Commonwealth Avenues. Bago yun, ewan ko kung kailan nagsimulang magbukas ang Robinson na yan at Chowking. Sa totoo lang, pangit yung building na ginamit ng Robinson. Biruin mo nagbukas na pero hanggang ngayon di pa tapos. Yung mga ilaw nila may mga wires pang nakalawit. Duda ko hindi Robinson ang nagpagawa noon. E di kumain ako doon kanina. Punong-puno. Pero ang kakaiba sa lahat ng Chowking na napuntahan ko, puro naka-formal ang mga taong naroon. Meron pa ngang naka-Amerikana. Kaya pagkatapos kong mag-order umupo na ako don sa table na dalawahan pero isa lang ang nakaupo. May katandaan na rin. Mamaya-maya meron pang padating, ganoon pa rin ang mga suot. Parang galing sila sa isang party. Kaya hindi na ako nakatiis, nagtanong na ako doon sa matandang kaharap ko. At doon ko nalaman na mga Iglesia Ni Cristo pala ang mga iyon. Galing daw sa pagsimba, este pagsamba pala ayon sa matanda. Sabi ko sa...

Natutukso sa Kapatid

I have a friend who has a girlfriend na kay ganda at maganda rin ang simula ng kanilang relasyon, subali't nagtapos naman sa magandang samaan ng loob. Magandang samaan ng loob? Nakakalito yun a. Hindi, ganito kasi ang nangyari. This morning, kaya hindi ako nakagpaglog dito sa internet, dahil niyaya niya akong kuman sa Hapchan Restaurant sa may West Avenue na malapit sa may Manila Water Seawerage System, halos kaharap ng Kabalen Restaurant sa West. I thought, he just want to date with me. Uhum... lalake siya at ganon din ako pero walang bakla sa amin. Then pagkatapos naming kumain, bigla ba namang lumuha yung tao. Kaya sabi ko, "hoy! baka akalain na may relasyon tayo..." Nang marinig niya ang sinabi ko, bigla nyang pinigil ang sarili niya. Mga ilang sandali kaming tahimik. Siguro 5 minutes yun, then nagsimula na siyang magkuwento. Last night daw, nakipagbreak ang kaniyang girlfriend sa kaniya. "Owsss! Nakipag break na pala ba't ka iiyak dyan. Ayaw mo nyan free ka ...

Friendster

Kaninang umaga someone has invited me to join Friendster. Hindi ko pa masyadong alam kung ano itong friendster. I haven't yet started registering pero gagawin ko iyon pagkatapos ko gawin ang post na ito. Pa-effect style ba. I asked my friends about it, and they told me, enjoyable daw ang websites na ito. You have your own homepage and it is being linked to the homepage of your friends' network. Friends can send messages to each other and can even post bulletin viewable by all friends in the network. Mukha ngang enjoyable ito. Mamaya try natin ito. And if meron na akong Friendster account please add me sa inyo using my email nakedpinoyph@yahoo.com.

Kaya naman pala....

I read a news, na marami pa raw sa mga Pinoy ang hindi alam na sex can cause pregnancy: As many as 30 percent of couples in the Philippines are unaware that having sex can result in babies, Health Secretary Manuel Dayrit said. (AFP) Ang sabi pa nga ni Sec. Dayrit: "They do not know how pregnancy happens," Kaya naman pala lalong dumarami ang bilang ng mga batang pinoy na isinilang araw-araw. Biruin mo ba namang, nagsesex na yung mga tao, e hindi naman pala alam na ang ganong gawa ay ang dahilan ng pagbubuntis ng mga babae. Natural hindi rin nila alam kung paano magcontrol ng panganganak dahil hindi naman nila iniisip na dahil sa sex nabuntis mga asawa nila, diba? Kala siguro ng marami, e ang sex ay larolaro lang na walang maaring mangyari pagkatapos. Pero hindi rin natin sila masisisi, kung bakit ganon na lamang sila ka-ignorante. Ito ay dahil na rin sa maling paraan ng pagkakonserbatibo ng karamihan. Kunwari ayaw nilang pag-uusapan ang sex, dahil bastos daw, nakakarumi daw n...

Month of Fire

March for us Filipinos is the month of fire. Sa panahong ito, naganap ang maraming sunog sa loob ng isang taon. And we know already its causes. Ito ay dahil sa sa buwan ng Marso nagsisimula ang tag-init dito sa Pilipinas. Kaya, nararapat lang na mag-ingat po ang bawat isa sa atin, upang maiwasan natin ang sunog. Pero alam niyo ba, yesterday, the last day of February ay may nangyaring sunog dito sa Quezon City sa Commonwealth? Sa likod ng Metrobank sa may commonwealth Avenue ay nasunog ang isang building. Maraming nga firetruck ang nagresponde at nagtulongtulong sa pag-apula ng apoy.