Pasaherong Maloko
Kanina skay ako ng Jeep from Quiapo to EDSA. Taghirap ako ngayon kaya nagcommute muna ako.
Pagdating ko sa DELTA may sumakay. Nakakurbata siya. In other words, siguro business man ang taong iyon.
Busi ako noon sa pag-iisip sa mga problema ko e. Tapos biglang nagtanong yung tao, "Mama magkano po DELTA-Batasan?
E di natural, dahil nagtatanong ang pasahero sumagot ng maayos ang driver. "11.50 lang po," sabi ng driver.
Biglang nagsalita uli itong pasahero na ikanagugulat ko, "Ba't ganon Mama, kahapon lang 10 pesos lang ang ibinayad ko tapos ngayon 11.50 na?" Napailing ako sa narinig ko e. Tapos dagdag pa niya, "Isang linggo na akong sumasakay ng Jeep pabalikbalik ganon lang naman ang ibinabayad ko e."
Nilingon ko ang driver. Nakita ko sa mirror, namula na. Napikon yata.
"Saan ka ba sumakay?" Mahinahon ang pagkasabi ng driver.
"DELTA." Sagot ng pasahero na hindi gumamit ng PO.
Tumaas na ang boses ng driver, "E, sa DELTA ka naman pala sumakay at bababa ka kamo sa Batasan, e di 11.50 nga."
E, bigla ding sumagot ang pasahero, "e ba't kahapon..."
Hindi napa-nakatapos ang pasahero sa pagsasalita, ipinara ng driver ang kotse at sabi, "Sige bumaba ka. Manloko ka na lang ng tao, piliin mo!"
Tumingin halos kaming lahat na mga pasahero don sa pasaherong makulit. Sumulyap din siya sa amin, isa-isa. At sa tingin ko napahiya yata. Kaya...
"Sorry po." Sabi ng pasahero. Malumanay na ang pagkasabi.
Sabi ko sa sarili ko. Sana kung 10 peso lang ang pera niya, ayusin niya ang pagsabi sa driver. Maiintihan naman yun ng driver kung talagang ganon lang ang pera niya e. Hindi yung idadaan sa pangungulit at pangloloko. Kahit naman siguro ako ang gaganunin e, baka nga hindi ko rin mapigil ang sarili ko.
Maari ngang mali ang driver sa ipinakita niya. Kasi dapat mataas ang pasensiya niya sa pagdadala ng mga pasahero, pero baka napuno na talaga siya at talagang hindi na niya mapigil ang sarili.
Pero mabuti na lang at yun ang ginawa ng driver at nang mapahiya itong taong ito at makita niya ang kaniyang sarili na mali siya.

Comments