Bakit ba merong hacker
Minsan nais nating itanong sa ating sarili kung bakit may mga taong natutuwa kung nakapanira ng bagay ng may bagay, gaya ng mga hacker na nanghahack ng website ng may website?
Sa bagay hindi na natin ito kailangan itanong sa ating sarili, dahil kung sa mga anghel nga ng Dios may satanas e lalo na kung ang pag-uusapan ay tayong mga tao. Mahina lang tayo, at may iba't ibang ugali. Ang bawat ugali natin ay inpluwensiyado ng iba't ibang mga bagay gaya ng inyong pamilya, mga kaibigan at mga kalaro, mga nabasa sa libro at lalo na sa mga nakikita sa TV.
Pero ang mga hacker ba ay sadyang masama? Ahhh yan ang tanong na ang maisasagot ko siguro ay depende. Depende iyon kung ano ang dahilan ng kanilang panghahack. Pero sa terminong hacking, o pagnanakaw, ay talagang masama na iyon, pero kadalasan kasi sa dahilan ng panghahack nila ay pagmayabang, katuwaan, kulang sa pansin. Ewan ko ba?
Gaya ng Pinoy Blogger Website, na kamakailan lang ay hinack. Maganda na sana ang takbo ng website na iyon, at kung kailan tumataas ang uri ng website ay saka naman nasisira. Pambihira ano.
Minsan, gaya ng sinabi ni ka Webspy sa kaniyang blog, ang ganitong gawa ay nag-exist para maging challenge sa kaniya na sa susunod niyang mga hakbang laging isaalangalang ang seguridad. Pero para yatang twice na siyang biktima ng hacking. Ano ba yan? Katangahan? Siguro hindi naman, kasi magkaiba ang paraan ng panghahack e. Yung una ay ninakaw ang password using keylogger and spywares pero ang ngayon ay sa pamamagitan ng bug ng engine na ginamit niya sa website.
Pero sabi pa nga, magaling man ang mga hacker na iyon ay maiisahan din sila.

Comments